Darna.. extended.. at pina aga!
oi! news!Pinakinggan din ng GMA-7 ang request ng viewers na ilagay sa mas maagang time slot ang Darna at Encantadia para hindi napupuyat ang mga batang viewers.
Simula sa Lunes, may pagbabago na sa primetime programming ng network.
After 24 Oras, isusunod na ang Darna, ka-back-to-back pa rin ang Encantadia, saka papasok ang Extra Challenge at panghuli sa telebabad ang All About Eve.
Kampante ang mga taga-Siyete na hindi maaapektuhan ang rating ng kanilang mga show sa pagbabago ng programming schedule.
Incidentally, extended for 10 weeks ang Darna at two seasons na ito tatakbo. Sa halip na July, sa last week ng August o first week ng September na ito magtatapos.
Samantala, dinala naman ng Channel 7 ang advertisers sa studio ng Encantadia at gaya ng reaction ng press, namangha rin sa ganda ng studio ang advertisers. Nalaman din nila kung saan napupunta ang malaking budget ng fantaserye.








0 Comments:
Post a Comment
<< Home