oi.. basahin nyo..
BASTANitz Miralles
People's Tonight
Nagsimula nang mag-shooting sina Richard Gutierrez at Angel Locsin ng pelikulang I Will Always Love You ng Regal sa isang lumang bahay sa Muntinlupa City.
Ikinuwento ni Manny Valera ang buod ng istorya na marami pa ring kilig scenes. Isang rich playboy si Richard at si Angel nama'y isang mahirap para maiba sa Let the Love Begin.
Sa July 16, aalis sina Angel at Richard for San Francisco para sa 10-day shooting. Dito kinunan ang eksenang isinama ni Richard sa States si Angel at pinag-aral pa nang hindi alam ng kanyang ina.
Kasama sa cast sina Jean Garcia at Lloyd Samartino (as Richard's parents), Bianca King (Richard's ex-girlfriend), Tuesday Vargas at Bearwin Meily. Si Mac Alejandre pa rin ang director at sina Suzette Doctolero at RJ Nuevas ang
Richard Gutierrez
scriptwriters.
Nalaman namin kay direk Manny na ang title at magiging theme song ng movie ay hindi ang kanta ni Whitney Houston sa The Bodyguard, kundi I'll Always Love You ni Michael Johnson.
Hindi pa malaman ng Regal kung kanino ipakakanta ang theme song, dahil hindi pa alam ni Rochelle Monteverde-Theo kung sino ang original singer. Nagtanung-tanong kami at nalaman namin kung sino ang kumanta nito.
Itsinika rin ni Manny na sa shooting, Darna ang tawag ng tao kay Angel at Aguiluz naman kay Richard. Tiyak na mababago ang itatawag sa young actor 'pag nag-air na ang Sugo sa GMA-7 starting June 27.








0 Comments:
Post a Comment
<< Home